Panay
biling-balikwas ka ba sa kama, gabi-gabi, dahil hindi ka makatulog o
pabangun-bangon sa hindi malaman na dahilan? Baka kailangan mo ng magpakonsulta
sa doctor nyan.
Ayon
kasi sa isang pag-aaral, ang mga taong panay ang pagbiling-balikwas tuwing gabi
bago matulog ay doble ang panganib na dumanas ng atake sa puso. Paliwanag ng
mga scientist, ang hindi komportable sa pagtulog ay dapat ikonsidera bilang
babala ng mga problema sa kalusugan sa hinaharap.
Sa
isinagawang pag-aaral sa mahigit 13,000 katao, natuklasang ang mga tao na panay
ang pagbiling-balikwas sa gabi at paulit-ulit na nagigising sa magdamag ay 99%
na malamang na magkaroon ng heart attack. Anya, ang mga taong kinakailangan pa
ng mahigit kalahating oras bago makatulog ay mas mataas ang bantang makaranas
ng stroke. Samantalang, ang mga taong nakakukuha ng kulang sa 6 na oras na
pagtulog sa gabi ay 24% na mas malamang atakihin sa puso sa hinaharap.
Ayon
kay Dr. Nobuo Sasaki, mula sa Hiroshima University, sa pagpresenta niya sa
kanyang findings sa European Society of Cardiology Congress sa Barcelona,
pinaghihilaang ang hindi maayos na pagtulog sa gabi ay nakakasagabal sa maayos
na paggana ng katawan at ng core functions nito-pulse, breathing at blood
pressure. Ang pinag sama-samang sistemang ito a tinatawag na ‘symphathetic
nervous system’ na kusang gumagana nang hindi na kailangan pang diktahan ng
utak upang gawin ang functions sa katawan ng tao.
Paniwala
ng mga eksperto, ang utak ay nangangailangan ng sapat na oras para sa proseso
ng ‘reset’ at ‘recalibrate’ nito tuwing gabi, na pangunahing dahilan kung bakit
halos kalahati ng tanang buhay ng bawat tao ay nakalaan sa pagtulog. At kung
tuluyan daw itong mapabayaan, hindi malabong magkaroon ito ng delikadong epekto
sa mga pinakakrusyal at sensitibong sistema ng katawan na posibleng magdulot ng
mga problema sa ating kalusugan.
No comments:
Post a Comment