Good news sa mga atleta kasi may batas na ipinasa na may
malaking incentives ang naghihintay sa mahigit 100 atletang Pinoy na nagwagi sa
katatapos na 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur.
Sabi ni Senator Sonny Angara “ lubos po nating
ipinagmamalaki ang ating mga manlalaro na nagsikap upang maipanalo ang kanilang
laban, bilang pasasalamat at pagkilala sa kanilang pagwawagi, mas malaking
insentibo ang nag aantay sa kanila.
Si Senator Sonny Angara ay sponsor ng batas na
nagsusulong sa pagtataas sa mga matatanggap na insentibo ng mga atletang
magwawagi sa mga international na torneo.
Sa ilalim ng Republic Act 10699, ang mga Sea Games Gold
Medalist ay makakatanggap ng P300,000, ang silver medalist naman ay P150,000, at
ang bronze medalist naman ay P60,000. Ayon sa record may 121 medals ang nakuha
ng Pilipinas sa naturang torneo, 24 gold, 33 silver, at 64 bronze.
No comments:
Post a Comment