Ayon
sa mga scientist, ang mga stainless steel na gripo at lababo ay may hatid na
panganib sa mga tao na magkaroon ng Legionnaires disease. Ayon sa research, ang
pagkalat ng bakteryang responsible sa sakit na Legionnaire, na kamakailan lang
ay naiugnay sa kalawang, ay pinakamataas ang presensiya sa mga lababo at
gripong yari sa stainless steel.
Paliwanag
ng mga researcher, ang mga gripong tulad nito ay nakakahikayat sa paglaganap ng
bactria dahil ang protective coating na naibibigay ng pagiging stainless nito
ay kadalasang napahihina sa paglipas ng panahon at maaring magsulong ng
pagkaipon ng maraming kalawang na naihahalo sa inuming tubig.
Batay
sa The European Center for disease Prevention and Control(ECDC),
iminumungkahing maiiwasan ng mga tao ang Legionnaires disease sa pamamagitan ng
pagpapanatili ng hot water system sa temperaturang nasa pagitan ng 50 at 60
degree C, maging ang madalas na pagbubukas o paggamit ng gripo upang
magtuluy-tuloy ang pag-agos ng tubig, gayundin upang maiwasan ang matagal na
pamamalagi ng tubig sa mga lababo.
Paglalarawan
ng mga dalubhasa, ang Legionnaires disease na nagdudulot ng pananakit ng ulo,
muscle pain, lagnat at pagkabalisa ay nakaapekto sa halos 7,000 individual sa
Europe noong 2015, bagaman, ang ECDC ay naniniwalang mas marami pang kaso nito
ang hindi naitatala dahil sa kakulangan sa kaalaman na ang mga stainless steel
na lababo at gripo ay maaring pagmulan ng nakakamatay na sakit.
No comments:
Post a Comment