Balitang umayaw na ang Pambasang Kamao na si Manny
Pacquiao sa nakatakdang rematch ng Australian boxer na si Jeff Horn na
magaganap sana ngayong December 2017.
Hindi daw kakayanin ni Pacman ang training at ayaw niyang
maisakrispisyo ang kanyang trabaho bilang isang senador. Kung saan gusto talaga
niya na magserbisyo na sa mga kababayan niya, kamakailan ay nasabi ng kanyang trainer na si Freddie Roach
na gusto daw ni Pacman na maging Presidente. Pero ayon naman sa ilang source,
ang gusto raw ni Pacman ay dito sa Pilipinas gaganapin ang rematch nila ni Horn
at nai-anounce na rin ng Department of Tourism ang pagsuporta sa big event na
ito.
Yun nga lang may kontrata na kasunduan bago ang laban noon nina Pacquiao at
Horn na kung sakaling may rematch na magaganap, sa Australia pa rin ito dapat
gawin. Eh ang gusto ni People’s Champ ay dito sa Pinas sila
maghaharap-magsalpukan ng Austrtalian boxer na tumalo sa kanya.
No comments:
Post a Comment