Ayon sa ulat ni Cristy Fermin, wala pa daw
silang natatanggap na bagong balita mula sa kampo ni Willie Revillame na kung
saan napabalita na may bago daw na programa na magkakasama sila Kris at Willie.
Ang pinakahuling impormasyon na nalaman ay
may isang grupong nagbubuo ng mga konseptong nababagay sa bagong programa
iho-host ni Kris. Meron din silang binabalagkas na atake para sa isang show na
sina Willie at Kris ang magsasama. Yun ang ibibigay nila sa pamunoan ng GMA-7
para mapag-aralan. Daan pa daw sa mahabang proseso, matatagalan pa bago malaman
kung ano ang naging desisyon ng mga executive ng GMA-7. “Nakakalungkot ang
ganun balita para kay Kris”. Kung babalikan ang kasaysayan ng pagrerena niya sa
ABS-CBN, anumang gustuhin niya ay masusunod, hindi na kailangang dumaan pa sa
pag-aaral ng mga executive kung mag re-rate ba ang show o hindi.
Pero napalaki na ang pagkakaiba ng kanyang
estado noon at ngayon. Pinagsaraduan na siya ng pintuan ng ABS-CBN at hanggang
ngayon wala pa siyang pwedeng angkinin na Mother Network. Daan pa muna siya sa
mahabang diskusyon kung nararapat ba siyang pagkalooban ng programa sa GMA-7.
No comments:
Post a Comment