Ayon sa bagong pag-aaral, ang tsokolate ay
nakakapigil sa sakit na diabetes. Sa natuklasan ng mga scientist, isang
compound na matatagpuan sa cocoa na tinatawag na epicatechin monomers ay
nae-enhance ang secretion ng insulin mula sa mga specific cells. Nakita rin na
nababawasan ng naturang compound ang pagiging obese at natutulungan ang mga
hayop na makaya ang mataas na blood glucose level.
Gayunman, sa mga hayop pa lamang nasusubukan ang
naturang pag-aaral. Ayon sa mga researcher, ang mga tao ay mangangailangan ng
mas maraming compound para makuha nila ang benepisyo nito. Ayon kay Prof.
Jeffrey Tessem, study author ng pag-aaral
mula sa Brigham Young University, ang mga tao ay kailangang kumain ng
maraming cocoa, ngunit mas kaunti dapat ang sugar content dahil ang mahalaga ay
ang component na matatagpuan sa cocoa.
No comments:
Post a Comment