Ang eyebags ay nakukuha kung ikaw ay madalas
na puyat o kulang palagi sa tulog, bagaman ma ilan sa ating mga kababayan ang
sadyang mayroon nito sa ilalim ng mata, mas madalas na epekto ito ng lifestyle.
Narito ang mga recommendation tips mula sa
mga health experts upang maremedyuhan ang problemang ito:
1.
PUTI
NG ITLOG
Sa pamamagitan ng pagbati sa
puti ng itlog magkakaroon ng pagbula. Ang mga bulang ito ang maaring ipahid sa
ilalim ng mga mata mula 1 hanggang 15 minuto. Hayaan lamang na matuyo dahil ito
ang makakatulong para mabawasan ang pamamaga gayundin ang pagbanat ng balat.
2.
GATAS
ang whole milk, soy milk at
almond milk ang mga halimbawa ng gatas na maari rin na gamitin para maiwasan
ang pagkakaroon ng eyebags. Nakakatulong
ito para mag-lighten ang pangingiti
sa palibot ng mata gayundin ang paghupa ng pamamaga. Lagyan ng gatas ang
bulak bago ipahid sa paligid ng mata. Hayaan ito na matuyo at banlawan ng
maligamgam na tubig at patuyuin.
3.
PIPINO/CUCUMBER
Basta usaping mata at
eyebag, di mawawala ang pipino o cucumber bilang sagot sa problimang ito. Puno
ng antioxidants ang prutas na ito na nakakatulong sa pangangati at pamamaga
dahil na rin sa cooling effect nito. Hiwain lang ang pipino bago ilagay sa ibabaw
ng mata ng hanggang 30 minuto.
4.
ALOE
VERA
Nakaka-moisturize ng balat
at nakapagpapaginhawa ng pagod na mga mata ang aloe vera. Mayaman kasi ito sa
amino acids at may taglay na antibacterial at antifungal. Ipahid sa gilid ng
bandang mata ang gel ng aloe vera. Maari rin itong makatulong upang maiwasan
ang pagkakaroon ng wrinkles.
5.
MALAMIG
NA KUTSARA
Palamigin o ilagay sa
refrigerator ang ilang kutsara sa loob ng 10 hanggang 15 minuto at pagkatapos
ipatong sa ibabaw ng mata ang bilog na bahagi nito. Antayin na mawala ang lamig
nago ito tanggalin. Mainam at makakatulong sa pagbabanat ng balat at magdudulot
ng pagliit ng daluyan ng dugo sa bahaging ito.
No comments:
Post a Comment