Ayon sa bagong pag-aaral, ang pangunguyakoy o
pagyugyog ng mga paa habang nakaupo ay nagagawang maprotektahan ang blood
vessels o daluyan ng mga dugo sa mga hita at binti at potensiyal na nalalabanan
ang pagkakaroon ng arterial disease tulad ng varicose veins at iba pang
karamdamang nararanasan sa mga ugat ng mga hita at binti dulot ng labis na
pangangalay mula sa kawalan ng aktibidad o hindi paggalaw ng katawan.
Sabi ng lead author ng naturang pag-aaral na
si Jaume Padilla, assistant professor sa University of Missouri sa Columbia “
gusto naming malaman kung ang saglit na pangunguyakoy ay nakakabawas sa pagbaba
ng leg vascular function o paggana ng mga ugat sa mga hita at binti sanhi ng
matagal na pag-upo. Habang inaasahan naming ito ay nakapagpapataas ng pagdaloy
ng dugo sa lower limbs, ikinagugulat naming malaman na ang pangunguyakoy ay
sapat na para mapigilan ang paghina ng mga ugat upang maiwasan ang banta ng
arterial diseases”.
Dagdag pa ni Professor Jaume Padilla,
mahalagang magkaroon ng break mula sa matagal na pagkakaupo hangga’t maari sa
pamamagitan ng pagtayo o paglalakad upang hindi huminto ang circulation ng dugo
sa mga ugat ng ibabang bahagi ng katawan ngunit kung nagkataon na naiipit sa
isang gawain o sitwasyon hindi maaring maglakad-lakad tulad ng mga empleyadong
nakaupo sa mga opisina, pinakamabuting
alternatibo ang pagkukuyakoy o anumang paraan ng paggalaw ng mga binti at paa
upang manatiling aktibo at buhay ang pagdaloy ng mga dugo.
Sabi namn ng iba ito daw ang palatandaan na ikaw ang mag ma masturbate, totoo po ba?
ReplyDelete