Saturday 9 September 2017

5 ALTERNATIBONG PARAAN PARA GAMUTIN ANG EYEBAGS


Ang eyebags ay nakukuha kung ikaw ay madalas na puyat o kulang palagi sa tulog, bagaman ma ilan sa ating mga kababayan ang sadyang mayroon nito sa ilalim ng mata, mas madalas na epekto ito ng lifestyle.
Narito ang mga recommendation tips mula sa mga health experts upang maremedyuhan ang problemang ito:


1.   PUTI NG ITLOG


Sa pamamagitan ng pagbati sa puti ng itlog magkakaroon ng pagbula. Ang mga bulang ito ang maaring ipahid sa ilalim ng mga mata mula 1 hanggang 15 minuto. Hayaan lamang na matuyo dahil ito ang makakatulong para mabawasan ang pamamaga gayundin ang pagbanat ng balat.

2.   GATAS



ang whole milk, soy milk at almond milk ang mga halimbawa ng gatas na maari rin na gamitin para maiwasan ang pagkakaroon ng eyebags. Nakakatulong  ito para mag-lighten ang pangingiti  sa palibot ng mata gayundin ang paghupa ng pamamaga. Lagyan ng gatas ang bulak bago ipahid sa paligid ng mata. Hayaan ito na matuyo at banlawan ng maligamgam na tubig at patuyuin.

3.   PIPINO/CUCUMBER


Basta usaping mata at eyebag, di mawawala ang pipino o cucumber bilang sagot sa problimang ito. Puno ng antioxidants ang prutas na ito na nakakatulong sa pangangati at pamamaga dahil na rin sa cooling effect nito. Hiwain lang ang pipino bago ilagay sa ibabaw ng mata ng hanggang 30 minuto.

4.   ALOE VERA


Nakaka-moisturize ng balat at nakapagpapaginhawa ng pagod na mga mata ang aloe vera. Mayaman kasi ito sa amino acids at may taglay na antibacterial at antifungal. Ipahid sa gilid ng bandang mata ang gel ng aloe vera. Maari rin itong makatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng wrinkles.

5.   MALAMIG NA KUTSARA



Palamigin o ilagay sa refrigerator ang ilang kutsara sa loob ng 10 hanggang 15 minuto at pagkatapos ipatong sa ibabaw ng mata ang bilog na bahagi nito. Antayin na mawala ang lamig nago ito tanggalin. Mainam at makakatulong sa pagbabanat ng balat at magdudulot ng pagliit ng daluyan ng dugo sa bahaging ito.




Friday 8 September 2017

TERENCE CRAWFORD BINAKANTE ANG IBF 140 POUND WORLD TITLE




Hindi nagtagal ang paghahari ni Terence Crawford bilang undisputed Junior Welterweight Champion at tanging 11 araw lamang, eksakto niyang napanghawakan ang pagiging world champion.
Matapos ang kanyang pagsalang sa mandatory defense laban ka Sergey Lipinets noong nakaraang huwebes, kamakalawa ay bigla na lang binakante ni Crawford ang kanyang IBF version sa 14 pound world title bagama’t ang laban niyang tinapos kay Lipinets ay nasa ilalim ng time frame ng organisasyon.



“On behalf of the Top Rank and Terence Crawford, we would like to thank you and the IBF for allowing Terence to participate in the historic four-title unification bout on August 19. As always, it was a pleasure working with the IBF” saad ni Top Rank Vice President Carl Moretti nang lumiham ka IBF President Daryl Peoples upang  mabanggit sa kanya and desisyon ni Crawford na bakantehin ang belt. “ It had been a lifelong dream of Terence’s to win an IBF World Championships and to be recognized as undisputed, unified world champion.


Thursday 7 September 2017

SENYALES NG HEART ATTACK ANG PAGBILING-BALIKWAS SA KAMA TUWING GABI



Panay biling-balikwas ka ba sa kama, gabi-gabi, dahil hindi ka makatulog o pabangun-bangon sa hindi malaman na dahilan? Baka kailangan mo ng magpakonsulta sa doctor nyan.
Ayon kasi sa isang pag-aaral, ang mga taong panay ang pagbiling-balikwas tuwing gabi bago matulog ay doble ang panganib na dumanas ng atake sa puso. Paliwanag ng mga scientist, ang hindi komportable sa pagtulog ay dapat ikonsidera bilang babala ng mga problema sa kalusugan sa hinaharap.


Sa isinagawang pag-aaral sa mahigit 13,000 katao, natuklasang ang mga tao na panay ang pagbiling-balikwas sa gabi at paulit-ulit na nagigising sa magdamag ay 99% na malamang na magkaroon ng heart attack. Anya, ang mga taong kinakailangan pa ng mahigit kalahating oras bago makatulog ay mas mataas ang bantang makaranas ng stroke. Samantalang, ang mga taong nakakukuha ng kulang sa 6 na oras na pagtulog sa gabi ay 24% na mas malamang atakihin sa puso sa hinaharap.


Ayon kay Dr. Nobuo Sasaki, mula sa Hiroshima University, sa pagpresenta niya sa kanyang findings sa European Society of Cardiology Congress sa Barcelona, pinaghihilaang ang hindi maayos na pagtulog sa gabi ay nakakasagabal sa maayos na paggana ng katawan at ng core functions nito-pulse, breathing at blood pressure. Ang pinag sama-samang sistemang ito a tinatawag na ‘symphathetic nervous system’ na kusang gumagana nang hindi na kailangan pang diktahan ng utak upang gawin ang functions sa katawan ng tao.


Paniwala ng mga eksperto, ang utak ay nangangailangan ng sapat na oras para sa proseso ng ‘reset’ at ‘recalibrate’ nito tuwing gabi, na pangunahing dahilan kung bakit halos kalahati ng tanang buhay ng bawat tao ay nakalaan sa pagtulog. At kung tuluyan daw itong mapabayaan, hindi malabong magkaroon ito ng delikadong epekto sa mga pinakakrusyal at sensitibong sistema ng katawan na posibleng magdulot ng mga problema sa ating kalusugan.




PINOY PRIDE 42: CLASH FOR GLORY, MELINDO VS. BUDLER, ISINAAYOS NA!



Pormal nang ipinaalam ng ALA Promotions ang Pinoy Pride 42: Clash for Glory na tampok ang laban ng IBF World Light Flyweight bout sa pagitan nila defending champion Milan “ Metodico” Melindo at IBO Light Flyweight Champion Hekkie “The Hexecutioner” Budler, ang mga naka-assign na mga opisyal ng International Boxing Federation (IBF). 

Tampok din sa triple-header ang catchweight match sa pagitan nina WBO World Light Welterweight ranked #3 Jason “El Nino” Pagara kay dating African Welterweight Champion Richmond Djarbeng ng Ghana.



Para sa ikatlong bout sa bihirang all-Filipino IBF World Bantamweight eliminator, haharap si current IBF Inter continental Champion “Zorro” Sultan kay two-division World Champion John Riel “Quadro Alas “ Casimero. Ang Sultan-Casimero fight ay susuperbisahin ng parehong IBF supervisor at judges at ang referee ay si Allen Huggins mula sa New Jerse, USA. 

Kukumpleto sa blockbuster card sina WBC #10 Super Fly Contender “King” Arthur Villanueva, amateur standout KJ Cataraja, Virgil “Valiente” Vitor ng Tagbilaran, Bohol, Kenneth Gentallan ng  Tagbilaran, Bohol, at Cebuano Jeno Macapobre.


500 MILLION ANG GASTOS SA KASALANG HAYDEN-BELO


 




Dahil sa bonggat at mala-fairytale na wedding nina Dra, Vicki Belo at Hayden Kho na ginanap sa Paris, France makaraan ang ilang araw, usap-usapan kasi na 500 million diumano ang budget sa wedding nina Dra. Belo at Hayden. Kaya, sila ngayon ay nangunguna sa listahan ng the “Most Expensive Wedding in the Philippine History” Ayon pa sa balita na ang gown ni Dra. Belo ay ginawa sa sikat na gown maker na si Michael Cinco na may 3.1 million ang halaga.

Ayon sa mga balita sa social media ang listahan sa the Most Expensive Wedding in the Philippine History:

1.    Hayden-Belo Wedding cost 500 million


2.    Dingdong-Marian Wedding cost more than 100 million


3.    Jules Ledisma-Assunta de Rossi Wedding cost 97 million


4.    Vic Sotto-Pauleen Luna Wedding cost 83 million


5.    Yilmaz Bektas-Ruffa Guetierrez Wedding cost 27 million



Wednesday 6 September 2017

PAGGAMIT NG STAINLESS STEEL NA GRIPO AT LABABO, SANHI NG NAKAKAMATAY NA SAKIT!


 


Ayon sa mga scientist, ang mga stainless steel na gripo at lababo ay may hatid na panganib sa mga tao na magkaroon ng Legionnaires disease. Ayon sa research, ang pagkalat ng bakteryang responsible sa sakit na Legionnaire, na kamakailan lang ay naiugnay sa kalawang, ay pinakamataas ang presensiya sa mga lababo at gripong yari sa stainless steel.

Paliwanag ng mga researcher, ang mga gripong tulad nito ay nakakahikayat sa paglaganap ng bactria dahil ang protective coating na naibibigay ng pagiging stainless nito ay kadalasang napahihina sa paglipas ng panahon at maaring magsulong ng pagkaipon ng maraming kalawang na naihahalo sa inuming tubig.


Batay sa The European Center for disease Prevention and Control(ECDC), iminumungkahing maiiwasan ng mga tao ang Legionnaires disease sa pamamagitan ng pagpapanatili ng hot water system sa temperaturang nasa pagitan ng 50 at 60 degree C, maging ang madalas na pagbubukas o paggamit ng gripo upang magtuluy-tuloy ang pag-agos ng tubig, gayundin upang maiwasan ang matagal na pamamalagi ng tubig sa mga lababo.



Paglalarawan ng mga dalubhasa, ang Legionnaires disease na nagdudulot ng pananakit ng ulo, muscle pain, lagnat at pagkabalisa ay nakaapekto sa halos 7,000 individual sa Europe noong 2015, bagaman, ang ECDC ay naniniwalang mas marami pang kaso nito ang hindi naitatala dahil sa kakulangan sa kaalaman na ang mga stainless steel na lababo at gripo ay maaring pagmulan ng nakakamatay na sakit.

PAGKAIN NG TSOKOLATE, MAINAM PARA MAIWASAN ANG DIABETES




Ayon sa bagong pag-aaral, ang tsokolate ay nakakapigil sa sakit na diabetes. Sa natuklasan ng mga scientist, isang compound na matatagpuan sa cocoa na tinatawag na epicatechin monomers ay nae-enhance ang secretion ng insulin mula sa mga specific cells. Nakita rin na nababawasan ng naturang compound ang pagiging obese at natutulungan ang mga hayop na makaya ang mataas na blood glucose level.


Gayunman, sa mga hayop pa lamang nasusubukan ang naturang pag-aaral. Ayon sa mga researcher, ang mga tao ay mangangailangan ng mas maraming compound para makuha nila ang benepisyo nito. Ayon kay Prof. Jeffrey Tessem, study author ng pag-aaral  mula sa Brigham Young University, ang mga tao ay kailangang kumain ng maraming cocoa, ngunit mas kaunti dapat ang sugar content dahil ang mahalaga ay ang component na matatagpuan sa cocoa.


Sa pag-aaral na ginawa ng mga researcher, pinakain nila ng epicatechin monomers ang mga hayop na may high fat diet. Matapos nito, natuklasan nila na nabawasan ang pagiging obese ng mga hayop at mas nakayanan pa nilang kumilos sa kabila ng mataas na glucose level sa katawan. Sa paliwanag ni Prof. Jeffrey Tessem, pinoprotektahan di umano ng epicatechin monomers ang cells at pinatataas din ang kakayahan na makaya ang oxidative stress. Aniya, mas pinalalakas ng naturang compound ang mitochondria sa beta cells na naglalabas ng mas maraming ATP kaya mas maraming insulin din ang lumalabas